Ang Pilipinas ay ika-walo sa listahan ng nangungunang bansa na nagpo-produce ng bigas sa buong mundo. Sa kabuuan, ang lupang pwedeng pagtaniman ay nasa mahigit kumulang 5.4 million hectares. Gayunpaman, ang ani ng bigas ng bansa ay napakaliit parin kung ikukumpara sa ibang bansa sa Asya katulad nalang ng China at India.
Ang produksyon ng bigas sa bansa ay tumaas ng ika-tatlo, mula 10.5 milyon tons noong 1995 hanggang sa naging 15.8 milyon tons noong 2010. Pitumpu’t isang porsyento (71%) ng produksyon ng bigas ang nagmumula sa mga irigadong lugar. Bagaman bumuti ang ani mula noong 1995 hanggang 2010, marami paring modernong pamamaraan at solusyon ang pwede pang mai-develop upang matulungang tumaas pa ang produksyon ng bigas sa bansa.
Sa article na ito, ating susuriin ang 5 sa mga karaniwang peste at sakit na tumatama sa palayan at kung anu-ano ang mga lunas na pwedeng gamitin upang masolusyonan ito.
1. Damo
Isa sa mga pangunahing problemang nararanasan ng mga magsasaka ay ang pagtubo o pagdami ng damo sa palayan. Ang damo ay nakakasira sa palay sa maraming paraan, at kung hindi ma-aksyonan agad ay nagiging dahilan sa pagkalugi ng ani. Mas mabilis din ang damo kung tumubo kaysa sa mismong palay. Bukod dito, nakikihati ito sa pagsisipsip ng tubig at nutrisyon. Kaya naman para sa pagkontrol ng damo sa transplanted o directly-seeded rice maaaring gamitin ang mga sumusunod na mga herbicides:
Narkis 100 SC para sa 7-15 DAP/DAS
Ang Narkis ay isang post-emergence herbicide na mahusay sa pagkontrol sa mga annual grasses, sedges, at broadleaf weeds sa dry o wet-seed at transplanted rice. Nakakatulong ito sa pagkontrol ng damo para sa 7-14 dat/das o sa 2-4 leaf stage ng damo.
Dosage: Narkis 25ml + Amplify 25ml/ 16L of water
LINCHOR ULTRA 8.5 EC para sa 12-18 DAP/DAS
Ang Linchor Ultra 8.5 EC ay isang herbicide para sa mahusay na pagkontrol ng taunang mga damo, sedges, at broadleaf weeds, para sa transplanted at direct-seeded rice. Nagbibigay ito ng isang malawak na ‘window of control’ sa 12-16 araw pagkatapos ng seeding o transplanting.
May kumbinasyon ng 2 sa makapangyarihang aktibong sangkap na nagbibigay ng dobleng aksyon ng kontrol, ang Linchor Ultra 8.5 EC ay epektibo sa pagkontrol sa mga specie ng damo na tolerant o resistant sa ibang brands ng herbicide.
Dosage: 80ml-100ml/16L of water
PROSTAR 25 EC para sa 0-4 DAS
Ang Pro Star 25 EC ay isang pre-emergence at early post-emergence herbicide para sa transplanted na sibuyas o palay, dry-seeded rice, at pre-germinated direct-seeded rice. Ito ay may selective action sa pamamagitan ng pag-inhibit ng importanteng plant growth enzyme sa mga damo na tinatawag na protoporphyrinogen oxidase. Mayroon itong natatanging mekanismo ng pagkilos. Ang mekanismo ng kontrol ay sa pamamagitan ng mga shoot hindi ang mga ugat.
Dosage: 100ml/16L of water
2. Golden Apple Snail/ Golden Kuhol
Ipinakilala ng pamahalaang Marcos noong unang bahagi ng dekada ’80 ang golden apple snail o kuhol sa Pilipinas upang maging alternatibong pagkukunan ng protina.
Subalit ang inaasahang magiging isang suplemento sa nutrisyon ng mga Pilipino ay naging isang malaking problema para sa mga magsasaka. Ito ay naging sanhi ng peste sa palayan. Naobserbahan na ito ay mabilis dumami at kumakalat sa palayan. Hindi rin naging swak sa panlasa ng mga Pilipino ang kuhol salungat sa inaasahan ng gobyernong Marcos.
Ang isang kuhol ay maaaring kumain ng ng 7 hanggang 24 na mga punla sa isang araw at maaaring ubusin ang isang litsugas sa isang gabi. Sa pamamagitan ng kakaibang kapasidad ng mabilis na pagpaparami, maaari kang magkaroon ng milyun-milyong mga kuhol sa palayan. Kaya naman nagsimulang magbukas ang merkado ng mga pestisidyo laban dito, katulad na lang ng Deadline 6% Pellet at Barrel 70WP.
Ang mga molluscicides na ito ay ginagamit para sa pagkontrol ng mga kuhol sa parehong transplanted at direct-seeded rice. Ang pagkamatay ng mga kuhol ay nangyayari dahil sa kawalan ng oxygen sa tubig pagkatapos ng aplikasyon nito.
3. Green Leafhoppers (Ngusong Kabayo)
Ang green leafhopper ay isa sa karaniwang uri ng leafhoppers na namiminsala sa mga palayan – at ang sanhi ng pagkalat ng sakit na tinatawag na tungro. Ang nymph at adult-stage hoppers ay kumakain sa pamamagitan ng pagkuha ng katas ng halaman gamit ang kanilang mala-hugis na karayom na bibig.
Kadalasan makikita ang pinsalang dulot ng mga green leafhoppers sa pagdidilaw ng mga dahon ng palay mula sa dulo hanggang sa baba. Nalalanta o natutuyo ang palay at mapapansin nakadikit ang puti o dilaw na mga itlog ng peste sa loob ng mga leaf sheaths o midribs.
Ang sumusunod ay ilan sa mga pestisidyo na maaring gamiting pagpuksa sa insektong ito.
Aliah 247 ZC (Lambdacyhalothrin + Thiametoxam)
Ang Aliah ay isang pestisidyo na may contact at systemic na katangian. Ito ay nakakatulong sa mas mabisang pagpuksa at pagkontrol ng mga hoppers at chewing at sucking pest sa palayan. Ito rin ay isang broad spectrum na insecticide na may low-dose rate at ovi-larvicidal action (hindi na nag mamature ang mga itlog nito na ini sprayhan ng pestisidyo).
Dosage: 10-30ml/ tank load (16L of water)
4. Sheath Blight (Rhizoctonia Solani)
Ang sheath blight ay isang fungal disease na sanhi ng Rhizoctonia solani. Ang nahawaang dahon nito ay natutuyo at mas mabilis na namamatay. Ito’y nagdudulot ng pagkasira at pagbawas ng leaf area ng canopy, isang pangunahing sanhi ng pagbawas ng ani.
Ang sheath blight ay nangyayari sa mga lugar na may mataas na temperatura (28−32 ° C), mataas na antas ng nitrogen fertilizer, at iba pang mga factor. Ang mga halaman ay mas madaling kapitan ng sakit sa sheath sa panahon ng tag-ulan.
Ang mataas na rate ng seeding o malapit na spacing ng halaman, siksik na canopy, sakit sa lupa, at sclerotia ay ilan lamang sa mga nakakapagpataas ng development ng sakit na ito.
Banguard 80 WG (Tetra Methylthiuram Disulfide)
Isang maasahanag lunas para sa sheath blight ay ang Banguard 80 WG. Ito’y isang broad spectrum fungicide na may contact at preventive action. Isang produktong multisite ang pagkilos at tinitiyak na walang resistance ang anumang target na sakit kahit pa sa pangmatagalan paggamit nito. Ito rin ay ay nagsisilbing repellant laban sa mga mapanirang ibon at rodent na sumasalakay sa palayan sa seedbed at early stage nito.
Dosage: 30-60g/ tank load (16L of water)
Resist 325 SC (Difenoconazole + Azoxystrobin)
Ang Resist 325 SC ay isang broad spectrum fungicide para sa iba’t-ibang tanim katulad na lang ng mais, mangga, sibuyas, patatas, at palay. Ito ay nabibilang sa fungicides na may latest formula mixture na may systemic, translaminar, at contact properties. Ang active ingredients nitong difenoconazole at azoxystrobin ay nagba-block ng spore germination sa early stages ng fungal development.
Dosage: 20ml-50ml/tankload (16L of water)
5. Stemborer
Elicor 5 SC (Chlorantraniliprole)
Ang pangunahing aksyon ng Elicor ay ang pagpuksa sa mga chewing pest sa pamamagitan ng ingestion. Ito ay isang pestisidyong angkop sa mga insektong nabibilang sa order na Lepidoptera. Hinihigpitan nito ang normal muscle contraction ng target insect na nagreresulta sa pagkamatay nito.
Dosage: 60ml/tankload (16L of water)
Ilan lamang ito sa mga herbicide, insecticide, fungicides, at molluscicides na subok na at maasahan sa palayan. Kaya naman makakasiguro ka na may karampatang proteksyon ang palay mo!
Team Agway is here to help and assist farmers because WE LOVE FARMERS! Kung meron po kayong mga teknikal na katanungan at gusto pang malaman, mag-comment lang po sa comment section below. Maraming salamat po mga ka-Agway! 🌾